Wednesday, January 21, 2009

January 21, 2009

http://www.gmanews.tv/story/145263/OFWs-na-nasawi-sa-mga-aksidente-sa-Saudi-nadagdagan

OFWs na nasawi sa mga aksidente sa Saudi nadagdagan
01/21/2009 05:01 PM


Email this Email the Editor Print
ShareThis
JEDDAH, Saudi Arabia – Patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga overseas Filipino workers (OFWs) na nasasawi sa mga sakuna sa bansang ito ngayong Enero.Ipinaalam ng Atlas Copco Company sa assistance to national section ng konsulado ng Pilipinas, ang pagkasawi ng kanilang tauhan na si Teddy Y. Arangca.

Naaksidente umano ang sinasakyan ni Arangca sa pagitan ng Medinah at Qassin noong Enero 18 (Linggo ng umaga).Humingi na umano ng tulong ang kumpanyang pinapasukan ni Arangca sa pulisya para mapabilis ang imbestigasyon at maiproseso na rin ang mga kailangang dokumento para maiuwi kaagad ang kanyang mga labi sa Pilipinas.Bago nito, apat na Pinay nurses din ang nasawi nang maaksidente ang kanilang sinasakyan sa Taif at Albaha noong nakaraang linggo.

Nitong Miyerkules, kinumpirma rin ng Department of Foreign Affairs (DFA) na may tatlo pang OFWs ang nasawi rin sa aksidente ngunit inaalam pa umano nila ang detalye.Sa email na natanggap ng GMANews.TV, sinabing ang nasawing mga OFW ay nagtatrabaho sa Mohammad Al-Mobil Group (MMG), isang oil company na nag-ooperate sa Jubail.Isa pa umanong OFW na kasama ng tatlong nasawi ang inoobserbahan sa King Abdul Aziz Naval Hospital sa Jubail.

Tiniyak naman ni DFA spokesperson Bayani Mangibin na tutulong ang ahensya sa mga biktima ng nasawi at kaagad na iuuwi ang kanilang mga labi sa lalong madaling panahon kapag naayos na ang mga dokumento. - Ronaldo Concha, GMANews.TV

No comments: