Friday, February 6, 2009

February 3, 2009

http://www.gmanews.tv/story/147189/Araw-ng-pagpaparehistro-ng-mga-OFW-sa-Saudi-para-sa-OAV-ipinapalipat

Araw ng pagpaparehistro ng mga OFW sa Saudi para sa OAV ipinapalipat
02/03/2009 10:47 PM
Email this Email the Editor Print
ShareThis
JEDDAH, Saudi Arabia – Mistulang ‘nilangaw’ ang simula ng pagpapatala para sa Overseas Absentee Voting sa bansang ito bilang paghahanda sa gaganaping pampanguluhang halalan sa May 2010.

Umaasa si Consul Leo Tito Ausan, tumatayong chairman ng OAV sa konsulado sa Jeddah, na dadagsa ang mga overseas Filipino workers (OFWs) na magpapatala sa mga susunod na araw.

Sinabi nito na hindi naman kailangang magmadali ang OFWs dahil ang pagpaparehistro na sinimulan nitong Pebrero 1 ay magtatapos pa sa Agosto 31.Tiniyak din ni Ausan na nakahanda ang kanilang mga kagamitan para sa mga darating na OFW.

Gayunman ang kakulangan umano sa impormasyon ang pinapaniwalaang dahilan ng ibang OFWs kaya tatlo pa lamang ang nagparehistro sa konsulado.Ayon kay Alma Arevalo, asawa ng isang OFW, nalaman lang niya ang pagpaparehistro para sa OAV nang mapadaan sa tanggapan ng Pag-Ibig.

Inihayag naman ni Ausan na hinihintay na lamang nila ang pahintulot ng gobyerno ng Saudi para payagang makagala ang kanilang mobile OAV registration. “Hindi naman natin pwdeng pangunahan ang desisyon ng host government pero umaasa kami na sa aming pag-apela ay bigyan kami ng authority para naman sa gano’n ay yung mga kababayan natin na nasa malalayong lugar ay magkaroon ng pagkakataon na makapagrehistro," pahayag ni Ausan.

Naniniwala naman ang ilang lider at kasapi ng Pinoy community sa Saudi na hindi praktikal ang itinakdang panahon ng pagpapatala na Sabado hanggang Miyerkules, 8 a.m. hanggang 4 p.m. "I agree with the observation that the announced schedule [or] timing of the registration is not conducive to attaining the [Philippine government's] goal of registering at least a million OFW voters for the 2010 election," ayon kay Francis Oca ng OFW Congress sa Riyadh sa e-mail na ipinadala kay Ambassador Antonio Villamor.

Hinala naman ni Eli Mua ng United OFW, sadyang itinaon sa “maling" panahon ang pagpaparehistro para konti lang ang makapagtala."It is meant to discourage OFWs from registering; they seem not to [want to] help the thousands [of potential voters] but just to please the few," pahayag nito sa kanyang e-mail.

Idinagdag niya na dapat malaman ng Commission on Elections (Comelec) na imposibleng payagan ng mga amo ang mga OFW at iwanan ang kanilang trabaho para makapagparehistro."Hindi puwede mag-absent ang OFW at hindi nag-bibigay ng special leave ang mga company dito, wala silang pakialam sa registration natin," puna ni Mua.

Iminungkahi naman nina Ahmed Villaflores at Roberto Pardinas na ibalik sa dating araw na Huwebes at Biyernes ang pagpaparehistro dahil ito ang weekends sa Saudi kung saan libre ang mga Pinoy."Mahirap masunod ang ganitong schedule kailangan pang lumiban sa trabaho," pahayag ni Pardinas.

Sinabi ni Oca na mas makabubuti kung gagawin ang pagpaparehistro tuwing Huwebes at Biyernes, mula 10 a.m. hanggang 5 p.m. - Ronald Concha, GMANews.TV

No comments: