Thursday, October 30, 2008

August 27, 2007

http://www.gmanews.tv/story/57914/Pinay-hinalay-sa-likuran-dahil-may-regla

Pinay hinalay sa 'likuran' dahil may regla
08/27/2007 06:42 PM

Email this Email the Editor Print Digg this Add to del.icio.us

JEDDAH - Dahil may buwanang dalaw (menstruation), sa likuran hinalay (anal sex) ng isang Arabo ang 31-taon gulang na kasambahay sa Saudi Arabia.Pinaghahanap pa ng pulisya ang pamangkin ng amo ni Janet (‘di tunay na pangalan).

Nakatakas na ang biktima at kasalukuyang nasa pangangalaga ng konsulado ng Pilipinas sa Jeddah.May iniwang asawa at dalawang anak na lalaki sa Pilipinas si Janet. Sa Riyadh ang una niyang destinasyon noong December 2006 bilang kasambahay sa tahanan ni Ahmet Dakheel Alharbi, isang Saudi national.

Naganap ang krimen noon pang huling lingo ng Hulyo matapos siyang ilagak ng kanyang amo sa kamag-anak nito dahil magbabakasyon sa ibang bansa ang buong pamilya.Nagkataon naman na sa panahon ng pamamalagi niya sa tahanan ng kamag-anak ng amo ay may namatay itong isa pang kapamilya.

Isang araw na naiwan si Janet sa bahay na kasama ang pamangkin ng kanyang amo na kinilala sa pangalang Mohammed.Ayon kay Janet, pinasok siya ni Mohammed sa kanyang silid bandang alas-4 ng hapon at sinabihan siya na magbihis dahil ihahatid siya sa bahay ng namatay na kamag-anak upang doon muna lumagi.Subalit laking gulat ni Janet nang habang nagbibihis siya ay pumasok muli si Mohammed at pwersahan siyang pinagsamantalahan.Dahil sa laki ng katawan at lakas na ipinamalas ni Mohammed, sinabi ni Janet na bale wala ang pagpupumiglas niya.

Matapos pagsamantalahan, agad na pinagbihis ni Mohammed si Janet at inihatid sa bahay ng kamag-anak na namatay.Sinabi ni Janet na naitago niya ang kanyang panloob upang magamit na ebidensya sa panghahalay. Kinaumagahan habang tulog pa ang mga nakatira sa bahay na pinagdalhan sa kanya ay agad na tumakas si Janet at nagpunta sa konsulado ng Pilipinas sa Jeddah upang magsumbong at humingi ng tulong.

Hindi naman nag-aksaya ng panahon si Welfare Officer Romeo Pablo at sinamahan si Janet sa istasyon ng pulis upang makapagsampa ng reklamo at kumuha ng endorsement mula sa pulisya para siya ay masuri sa hospital.Batay sa resulta ng mga pagsusuri, nakitaan ng doctor na may punit ang kanyang puwet (anus) bunga ng pwersahang panghahalay.

Muling pinabalik ng hospital si Janet para sa mas masusing pagsusuri at ang resulta ay dinala sa pulisya ng kinatawan ng hospital.Agad na inendorso ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang kaso ni Janet sa Assistance to Nationals office na pinamumunuan ni Vicky Salian.Ayon kay Salian, positibo ang resulta ng pagsusuri ng doctor kay Janet.

Nakapaglabas naman agad ng subpoena laban kay Mohammed subalit hindi pa ito naisisilbi dahil hindi na matandaan ni Janet ang bahay na pinagdalhan sa kanya kung saan naganap ang panghahalay dahil magkakapareho diumano ang yari ng mga bahay sa lugar. – Ronald Concha, GMANews.TV

No comments: