Wednesday, October 29, 2008

August 27, 2007

http://www.gmanews.tv/story/57887/Nasunog-na-OFW-sa-Jeddah-namatay-na

Nasunog na OFW sa Jeddah, namatay na
08/27/2007 05:06 PM

Namatay ang isang manggagawang Pinoy sa King Abdul Aziz Hospital noong Sabado ng madaling araw dahil sa sunog na natamo niya ilang lingo na ang nakalilipas.

Sinasabing nakalanghap din ng nakalalasong usok ng sumabog na transformer sa pader na nakadikit sa kanyang kwarto si Naser Mambali Erod na taga-Tuburan, Basinan.Nagtatrabaho bilang family driver si Erod sa Jeddah.Ayon sa kanyang asawa na si Layla, naghahanda para sa pagdarasal bandang alas-4 ng hapon si Erod nang biglang pumutok ang transformer sa kabilang dingding ng kanyang kwarto.Sa lakas ng putok ay nabutas ang pader ng kuwarto at pumasok ang apoy na kanyang ikinasunog.

Ayon sa mga nakakita at nagdala kay Erod sa hospital, nakuha pa n’yang makalabas at mahubad ang damit na nasusunog.Hindi agad namalayan ng kanyang mga amo ang nangyari subalit may mga nakakitang kaibigan na nagdala sa kanya sa pagamutan.Halos ikatlong bahagi ng katawan ni Erod ang nasunog. Matapos ang tatlong araw sa pagamutan ay biglang lumala ang kundisyon ng pasyente at inilipat ito sa intensive care unit (ICU) ng hospital.

Sinabi ng mga manggagamot na nagkaroon ng kumplikasyon ang pagkakalanghap ni Erod ng nakalalasong usok ng transformer at ang mga sugat at lapnos na natamo sa sunog.Matapos bawian ng buhay noong Sabado ng madaling araw, nagdesisyon ang pamilya ni Erod na sa Jeddah na ipalibing ang bangkay.Nangako ang employer ni Erod na sasagutin ang gastusin sa pagpapalibing at ang pagbibigay ng buong benepisyo nito sa pamilya sa loob ng limang taoon na paninilbihan sa pamilya.Inaayo pa ang mga dokumento upang mailibing na si Erod. Kung matatapos ang pag-aayos ng mga papeles ay maaaring maihatid na sa huling hantungan si Erod sa Martes. – Ronald Concha, GMANews.TV

No comments: