Wednesday, October 29, 2008

http://www.gmanews.tv/story/49002/3-OFWs-patay-sa-aksidente-sa-Saudi

3 OFWs patay sa aksidente sa Saudi
06/30/2007 07:37 PM

Email this Email the Editor Print Digg this Add to del.icio.us
Tatlong overseas Filipino workers ang namatay at tatlo ang sugatan nang tumama ang kanilang sinasakyan sa central island nang roundabout sa South Obhur sa Jeddah, Biyernes ng umaga.

Kinilala ni Abdurajaik Samain, welfare officer ng Overseas Workers Welfare Administration, ang mga namatay na sina Robert Bautista, Angel Nixon Sy, at Amiel Bantasan, pawang nagtatrabaho sa Saudi Air conditioning and Manufacturing Company.

Kasalukuyang nasa morge ng King Abd Aziz Hospital ang mga bangkay ng tatlo ayon kay Samain.Ang tatlong nasugatan naman ay dinala sa pinakamalapit na hospital para sa madaliang lunas. Dalawa sa kanila ay nakalabas na, habang ang isa na kinilalang si Dondon Alcantara ay inoobserbahan pa. Papasok na sana sa trabaho ang mga biktima nang mangyari ang aksidente.

Ayon sa mga survivor, walo sila sa loob ng sasakyan at binabaybay ang kahabaan ng Corniche Road sa may South Obhur bago mag ala-sais nang umaga.Hindi masyadong maganda ang visibility kaya nang makita umano ng driver na babangga na sila sa central island, iniwasan niya ito pero huli na.

Sumalpok ang sasakyan at nagpaikot-ikot, ayon sa mga survivor. Natutulog umano ang tatlong namatay nang mangyari ang aksidente kaya hindi umano nakakapit kung saan man. Ang driver at ang katabi nitong si Dondon ay naka-seatbelt kaya nakaligtas bagama’t may mga tama din.

Kasalukuyang nakakulong ang driver habang iniimbistigahan ang kaso.Ayon sa kaibigan nang mga biktima, isa sa namatay ay may limang anak. Ang isa naman ay may kanser ang asawa at ang isa pa ay kapapanganak lang nang asawa. - GMANews.TV

No comments: