Tuesday, October 28, 2008

http://www.gmanews.tv/story/46078/OFWs-sa-Jeddah-na-nais--bumalik-sa-Pinas-patuloy-sa-pagdagsa

OFWs sa Jeddah na nais bumalik sa Pinas patuloy sa pagdagsa
06/11/2007 09:07 PM

Email this Email the Editor Print Digg this Add to del.icio.us

Tinatayang 1,000 na ang bilang ng mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Jeddah, Saudi Arabia ang nasa deportation area na nais nang umuwi sa Pilipinas.

Sa ulat ng GMA 7’s 24 Oras nitong Lunes, inaasahan na sa loob ng dalawa hanggang tatlong araw ay makauuwi na sa Pilipinas ang 250 OFWs na nauna nang naproseso ang mga papeles para sa kusang deportasyon.

Karamihan umano sa mga OFWs na ito ay tumakas sa kanilang mga amo dahil biktima sila ng pang-aabuso at pagmamaltrato.Sa pakikipag-ugnayan ng mga opisyal ng embahada ng Pilipinas sa Saudi, pumayag ang pamahalaan nito na ipadeport ang mga OFWs nang hindi na kinakailangang pagmultahin at ikulong. “Yung mga kabigan natin sa Ministry of Interior na mga opisyal, tumulong sila para mapaalis sila. So in few hours time we will be leaving for the deportation center," pahayag ni Consul General Pendosina Lomondot.

Sinabi sa ulat na tuwang-tuwa ang mga OFW nang makita ang pagdating ng mga bus lulan ang mga taga-Saudi immigration department noong Sabado.Kaagad na sinimulan ng immigration department ang pagproseso sa dokumentasyon ng mga OFW tulad ng pagkuha sa kanila ng mga larawan at thumb mark.

Napag-alaman din na mahigit 100 babaeng OFWs at mga minor-de-edad ang sinasabing nasa deportation area na nagnanais din makauwi sa Pilipinas.Sa Pilipinas naman, sabik na ang mga kaanak ng mga OFW sa kanilang pagbabalik.Ayon kay Margie Vallerte, kapatid ni Elizabeth Asupre, na kabilang sa mga OFW na naghihintay na mai-deport sa Jeddah, maaayos naman daw ang kalagayan ng mga ito.“Sabi safe naman daw siya. Kaso sana lang naman daw mapadali yun pag-uwi nila," ani Margie. - Fidel Jimenez, GMANews.TV

No comments: