Thursday, October 30, 2008

August 29, 2007

http://www.gmanews.tv/story/58290/Tulong-sa-stranded-na-OFW-sa-Jeddah-dumagsa

Tulong sa stranded na OFW sa Jeddah dumagsa
08/29/2007 10:35 PM

Email this Email the Editor Print Digg this Add to del.icio.us

Matapos malathala ang mapait na sinapit ng 65-taon gulang na Filipino sa Jeddah, Saudi Arabia, dumagsa ang tulong para makauwi siya sa kanyang pamilya sa Pilipinas.

Halos 20 taon na hindi nakikita ni Leonora Somera ang kanyang pamilya simula nang magpunta siya sa Jeddah noong 1987 upang mamasukan bilang katulong.Kasalukuyang stranded sa Philippine consulate general sa Jeddah si Lola Leonora. May utang pa raw na 63,000 Saudi riyal (katumbas ng halos P780,000) ang kanyang dating amo subalit hindi na raw niya ito hahabulin dahil mukhang wala naman silang pambayad.

“Gusto ko na lamang umuwi. Ayokong mamatay ditto. Handa na akong umuwi," ayon sa ulat ng Arab News noong Sabado.Tubong Nueva Ecija si Lola Leonora. Matapos ang dalawang taon nang paninilbihan bilang katulong, iniwan si Lola Leonora ng kanyang amo upang mag-alaga ng mga hayop sa Al-Baha kung saan matinding sakripisyo ang dinanas niya sa sobrang lamig o labis na init ng panahon, walang sweldo at bantang maaresto ng ilang beses dahil walang papeles.

Halos 16 na taon siyang nanilbihan doon. Hindi sapat ang perang iniwan ng amo kaya’t nabuhay siya sa paghingi ng pagkain sa mga supermarket at ibang FilipinoAyon kay welfare officer Abdurajaik Samain ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), nakatanggap ng mga tawag sa telepono ang kanyang opisina na nag-aalok ng tulong para kay Lola Somera. Mga kapwa Filipino at maging ibang lahi ang gusting magbigay ng tulong.Maging ang Philippine Section ng Arab News na pinamumunuan ni Romy Tangbawan, isang peryodista na dating nagtrabaho sa Pahayagang Malaya sa Pilipinas, ay nakatanggap din ng maraming tawag mula sa iba’t-ibang sektos upang tulungang makauwi si Lola Leonora.

May mga negosyanteng Arabo rin ang nagpahayag ng kagustuhang makatulong para sa isang fund-raising campaign para kay Lola Leonora.May mga mensahe sa e-mail na natanggap ang pahayagan na nagpahayag ng kalungkutan at pagkundena sa hindi makataong pagturing ng mga amo ng Filipina.

Dahil dito ay naisip ni Tangbawan na magbukas ng isang bank account para kay Lola Leonora at agad siyang nakipag-ugnayan kay Robert Constantino ng Philippine National Bank (PNB) sa Jeddah para ditto.

Hindi nakaranas na makapagbakasyon sa Pilipinas kahit minsan si Lola Leonora dahil hindi sya pinayagan ng kanyang amo.Sinubukan daw n’yang tumakas pero hindi n’ya rin nagawa dahil sa takot. Hanggang sa may isang Arabyana na naawa sa kanya at tinulungan siya na makatakas sa pamamagitan ng kaibigan nitong Pinay na s’ya namang tumawag sa konsulado.upang mailigtas si Lola Leonora.Hindi nakatanggap ng regular na sweldo si Lola Leonora.

Sa loob ng 18 taong paninilbihan sa mga amo ay umabot lamang sa 38,000 riyals ang naipasahod sa kanya. Dating kunduktora ng bus si Lola Leonora bago siya nangibang bansa. Nabyuda siya kaya’t napilitang iwan ang anim na taong gulang na anak na babae. Ngayon ay 24-taon gulang na ang anak at nagtatrabaho sa isang hotel sa Maynila.Nakilala ang sponsor ni Lola Leonora na si Misfer Al-Ghamdi matapos mamatay ang ama nito noong 1988. Sa Riyadh siya unang dinala noong Disyembre 1987.

Pagkamatay ng una niyang sponsor ay isinama siya ni Al-Ghamdi at pamilya nito sa Al-Baha. Iniwan siya doon upang mag-alaga ng mga kambing samantalang lumipat naman sa Makkah ang mga amo kung saan nag-aaral ang mga anak nito.Tuwing umaga ay dinadala niya ang 42 kambing na alaga sa itaas ng bundok upang pastulan, at ibinababa ito pagdating ng haponPaminsan-minsan daw ay may mga nakakausap siyang Filipino nurses na nakatira malapit sa kanyang tinutuluyan. Madalang siyang makatanggap ng tawag mula sa mga kamag-anak sa Pilipinas.

Umuuwi lang sa Al-Baha ang pamilya ng kanyang amo kapag bakasyon sa eskwela. Bago bumalik sa Makkah ay iniiwan siya ng kaunting pera, kasama ang SR500 na sweldo kada buwan.Madalas daw ay nagkakasagutan silang mag-amo dahil sa huling pagbabayad ng kanyang sweldo pero wala rin namang nangyari.

Sa mga pagkakataon na wala na talaga siyang pera ay napipilitan daw siyang magbenta ng mga alaga niyang kambing.“I ate plenty of fresh fruits, but I don’t like the taste of goat so I couldn’t eat any of my animals. Instead I had chicken," she said.Dahil sa sobrang lamig sa lugar, palagi raw siyang nakasuot ng makapal na sweaters at medias na wool.

Hindi naman daw siya masyadong nalungkot sa lugar subalit ilang beses din daw siya napagmuntikanang mahuli ng pulis na nagtataka na may dayuhang babae na taga-alaga ng hayop sa liblib na lugar. “The police held me several times because I had no iqama or passport with me, but they always released me after I explained that my sponsor lived in Makkah and that this was my only livelihood," sabi ni Lola Leonora.

Nang nag-uumpisa na raw maghirap ang kanyang amo, labis na siyang nag-alala at humingi na ng tulong sa mga Filipino doon na gusto na niyang umalis.Nang may grupo mula sa konsulada sa Jeddah ang nagpunta sa Al-Baha noong 2005, nakuha si Lola Leonora at dinala siya sa center na tinutuluyan ng mga tumakas na katulong.Matapos ang 20 buwan, naghihintay pa rin si Lola Leonora na makauwi sa Pilipinas at makita ang nag-iisang anak na babae dahil hindi pa tapos ang kaso na isinampa niya sa tulong ng konsulada laban sa kanyang amo.Hindi raw nagpapakita sa korte ang kanyang amo, at minsan lamang ito sumipot sa konsulada. “He came and spoke to me more than a year ago," ayon kay Philippine Consul General Pendosina Lomondot.

Nalugi na raw ang amo ni Lola Leonora at binigyan lamang siya ng SR7,000. “We have never heard from him since," sabi ni Lomondot.Bagamat handa nang umuwi ng Pilipinas si Lola Leonora, hindi pa raw siya makapagbabalik-bayan hangga’t hindi pumapayag ang labor court sa Jeddah. – Ronald Concha, GMANews.TV


No comments: