Tuesday, October 28, 2008

http://www.gmanews.tv/story/45417/Takas-na-OFWs-natutulog-sa-ilalim-ng-tulay-sa-Jeddah

Takas na OFWs, natutulog sa ilalim ng tulay sa Jeddah
06/06/2007 11:26 PM

Email this Email the Editor Print Digg this Add to del.icio.us

Ilan sa overseas Filipino workers sa Jeddah, Saudi Arabia, ay natutulog na lamang sa ilalim ng tulay kasama ang ilang foreigners na katulad nilang tumakas sa mga malulupit o mapagsamantalang amo, ayon sa eksklusibong report ng GMA 24-Oras.

Karamihan sa kanila ay tumakas daw sa kanilang mga malulupit na amo at naghihintay na mahuli ng mga otoridad. Akala raw nila may amnesty sa mga takas tulad nila at libreng ide-deport sa Pilipinas kapag nahuli.

Pero matapos ang amnesty period noong Mayo 31 hindi sila hinuli, ayon sa report. Kaya ilan sa kanila ay natakot at sabay-sabay na tumakbo sa konsulada ng Pilipinas.Iba-iba ang mga kuwento ng bawat isa kung bakit tumakas. Karamihan pinagmalupitan daw ng kanilang mga amo. Ilan sa kanila, habang pansamantalang nakatira sa ilalim ng isang tulay, naloko pa ng mga fixer, na nangakong agad-agad mabibigyan ng deportation paper kung magbabayad sila. Hinihiling ngayon nila na tulungan sila ng gobyerno ng Pilipinas na makauwi.

Pero ayon sa tagapagsalita ng konsulada, ang amnestiya ay para lamang umano sa mga dayuhan na nakapasok sa bansa dala ang visit visa, at hindi kasama ang mga runaway.Mahigit 80 ang stranded ngayon sa Jeddah. Inaalam pa hanggang sa ngayon ng mga opisyales ng konsulada kung paano sila makauuwi sa Pilipinas. - GMANews.TV

No comments: