Wednesday, October 29, 2008

August 24, 2008

http://www.gmanews.tv/story/57528/Kapatid-ng-chop-chop-victim-sa-Jeddah-ayaw-tumanggap-ng-blood-money

Kapatid ng 'chop-chop' victim sa Jeddah ayaw tumanggap ng 'blood money'
08/24/2007 01:43 PM

Ayaw tumanggap ng ‘blood money’ ng kapatid ng isa sa tatlong Filipino na diumano’y pinatay at pinagpira-piraso ng kapwa Filipino sa Jeddah, Saudi Arabia noong Abril 2006.Nakakulong sa Jeddah ang magkapatid na Edison at Roland Gonzalez, Eduardo Arcilla, Efren Dimaun, Joel Sinamban, Omar Basilio at Victoriano Alfonso sa kasong pagpatay kina Dante Rivero, Jerry Bucod at Romeo Lumbang.

Ang magkapatid na Gonzalez at si Arcilla ay nahatulan noong nakalipas na buwan ng parusang bitay samantalang ang apat pang akusado ay may sentensyang walong taon sa kulungan at 1,000 hampas ng latigo para sa krimen.Tumanggi si Nonette Rivero, nakatatandang kapatid ni Dante, sa alok na “blood money" bilang kapalit ng kapatawaran sa pagkakapatay sa kanyang kapatid.“Walang katumbas na halaga ang buhay ng aking kapatid; walang perang katumbas," paliwanag ni Nonette sa panayam sa telepono.“‘Yung tungkol sa blood money, wala na kaming alam doon, sorry na lang. Alam ko nagpaparamdam sila (pamilya ng akusado). Hinahanap nila kami. Pero para ano pa, wala nang mangyayari pa sa sasabihin nila kasi siyempre idini-deny nila," sabi ng nakatatandang Rivero.

Natagpuan ang putul-putol na katawan ng tatlong Flipino sa supot ng basura sa Sina’aiah district sa Janoobiyah noong Abril 2006. May 72 OFWs ang inimbestigahan ng pulis tungkol sa kaso na nakilala sa taguring “chop-chop."

Noong Hunyo 2006 ay kinailangang kumuha ng blood samples ng Saudi Ministry of Health mula sa mga kamag-anak ng tatlong pinatay upang mapagsama-sama ang mga bahagi ng kanilang katawan na pinagputul-putol.Nitong nakaraang Mayo, ipinadala sa Jeddah ng National Bureau of Investigation at Department of Health and DNA samples na nakuha sa mga kamag-anak ng mga biktima.

Ayon kay Rivero, manananahimik na lamang ang kanilang pamilya tungkol sa kaso matapos na makakuha ng hustisya sa Saudi para sa kamatayan ng kanyang kapatid.Hindi raw niya minamasama ang mga pakiusap ng mga salarin dahil hindi naman nila alam ang tunay na nangyari.“Justice lang ang kailangan namin para sa kapatid ko. ‘Yun lang tapos na, wala na kaming sasabihin pang kung anu-ano," sabi ni Nonette.“Mabait ang kapatid ko. Hindi nila dapat ginawa iyon sa kanya," malungkot na pahayag ni Nonnette.Nagtatrabaho si Dante sa Sarawat supermarket bilang butcher sa meat section nabago siya napatay.

Sinabi ni Nonette na nakatanggap na ang pamilya ni Rivero ng tawag mula sa Sarawat at sinisigirong ibibigay ang mga benepisyo para sa kanyang kapatid , pati na ang pagpapauwi sa bangkay nito sa Plipinas.“Ang masasabi ko na lang ay happy na kami sa nakuha naming justice. Thank you sa lahat ng tumulong sa amin. Wala kaming masabi. Salamat," pahayag ni Nonette.

Ayon naman kay Consul General Pendosina Lomondot, humingi na ang Konsulada ng tulong sa Saudi Foreign Ministry upang maiuwi ang labi ng tatlong biktima ng “chop-chop" mula sa Jeddah.Sinasabing dahil sa away sa pagpapatakbo ng jueteng ang pinag-umpisahan ng away sa pagitan ng grupo ng magkapatid na Gonzalez at ng tatlong napatay. - Ronald Concha, GMANews.TV

No comments: