Sunday, November 23, 2008

August 26, 2008

http://www.gmanews.tv/story/116222/Tulong-ni-Villar-hiningi-ng-mga-recruiter-vs-unified-contract



Tulong ni Villar hiningi ng mga recruiter vs unified contract
08/26/2008 07:56 PM

MANILA - Hiningi na rin ng isang malaking grupo ng mga recruiter sa Pilipinas ang tulong ni Senate President Manuel Villar para mapigilan ang pagpapatupad ng Unified Contract sa Saudi Arabia simula sa Setyembre 1.Sinabi ni Victor Fernandez, presidente ng Philippine Association of Service Exporters Incorporated (Pasei), na nagpadala na sila ng liham kay Villar para iparating ang kanilang pagkontra sa ipatutupad na unified contract ng Saudi National Recruitment Committee (Sanarcom).

Ipinaliwanag umano ni Fernandez sa kanyang liham kay Villar kung ano ang mga batas na nilalabag sa pagpapatupad ng unified contract laban sa mga manggagawa sa loob o labas ng bansa.

Iginiit ng pinuno ng Pasei na ang sistema ng Sanarcom ay isang anti-worker dahil lalabagin nito ang karapatang pantao ng mga manggagawa. Bukod pa rito ang dagdag na gastusin ng mga OFW.Umaasa si Fernandez na magkakaroon ng aksyon si Villar sa kanilang sulat at hindi tutularan ang ginawang pag-isnab umano ng ibang ahensya ng pamahalaan tulad ng Department of Labor, Philippine Overseas Employment Administration at Department of Foreign Affairs.

Bukod kay Villar, sinabi ni Fernandez na nagpadala rin sila ng liham sa mga kongresista lalo na sa mga kasapi ng Committee on Overseas Workers Affairs."Nakikiusap kami, protektahan natin ang ating manggagawang Filipino. Tulungan po nyo kami Senador Villar. Huwag po natin biguin ang ating mga OFW," pagsamo ni Fernandez. - Bong Concha, GMANews.TV

No comments: