Sunday, November 23, 2008

September 23, 2008

http://www.gmanews.tv/story/122374/Empleyado-ng-konsulado-ng-RP-sa-Jeddah-bumigay-sa-kanser

Empleyado ng konsulado ng RP sa Jeddah bumigay sa kanser
RONALDO CONCHA, GMANews.TV

09/23/2008 09:15 PM

JEDDAH, Saudi Arabia - Isang tauhan ng Philippine Consulate sa Jeddah na mahigit 20-taon na serbisyo sa Department of Foreign Affairs ang pumanaw dahil sa kanser na nakuha sa labis na paninigarilyo.

Kinilala ni Camilo Mendiola, administrative officer ng konsulado ang pumanaw na kasamahan na si Edgardo Sangreo Silo, 55 anyos, property officer ng ahensya. Namatay si Silo habang nakaratay sa isang pribadong ospital sa Jeddah.

Ayon kay Mendiola, mahigit limang taon nang nagtatrabaho sa konsulado si Silo ay natuklasan na may lung cancer noong Enero. Pinili umano nito na hindi muna ipaalam sa kanyang pamilya ang kanyang kalagayan upang hindi sila mag-alala ang kanyang mga mahal sa buhay.Ngunit nang lumala ang kanyang kondisyon at maratay sa ospital, napilitan na siyang sabihin sa pamilya ang kanyang kondisyon.

Ang anak ni Silo na si Vito Gaspar ang siyang nag-alaga sa ama habang nasa ospital. Sa kabila ng kalungkutan sa pagkawala ng ama, sinabi ni Vito na tinanggap na nila ang nangyari dahil makapapagpahinga na rin ang kanyang magulang."Payo ko sa ating mga kabayayan na iwasan po natin ang sigarilyo dahil wala po itong magandang bungang idudulot," malungkot na pahayag ni Vito."Mabait na tao at hard worker si Silo. Loyal at dedicated at talagang madaling pakibagayan mami-miss namin sya," ayon kay Mendiola.

Si Silo ay may halos 20 taon nang nasa serbisyo sa DFA at ang Saudi Arabia ang kanyang unang posting sa ibang bansa.Nakikiramay ang buong konsulado sa pamilya ni Silo, ayon kay Mendiola. - GMANews.TV

No comments: